r/studentsph • u/Inside-Wave-7374 • 8h ago
Rant Ang hirap maging working student kapag may pamilya ka ring sinusuportahan.
Ang hirap maging working student, lalo na kapag may umaasa rin sayo sa probinsya. Kailangan mong pagsabayin ang trabaho at pag aaral, tapos dagdag pa yung stress sa academics. Minsan, kailangan kong pagkasyahin yung sahod ko para lang may pambili ng pagkain at maitawid ang araw araw.
Tinitiis ko na lang minsan na hindi kumain para makatipid at maipagkasya yung natitirang pera ko sa mga kailangan pang bayaran sa school. May mga pagkakataon na mas inuuna ko pa yung mga gastusin kaysa sa sarili kong pangangailangan. Habang nasa trabaho ako, naiisip ko rin palagi yung nanay at kapatid ko kung nakakakain ba sila nang maayos doon sa probinsya.
Nakakapagod din talaga. Ilang oras kang nagtatrabaho, kulang sa tulog at pahinga, tapos kailangan mo pang mag aral at isipin yung mga responsibilidad mo. Minsan, hindi mo na alam kung saan ka kukuha ng lakas para ipagpatuloy lahat. Pero wala kang choice kundi kayanin, kasi may mga pangarap kang gustong maabot at may pamilya ka ring gustong matulungan.