r/peyups • u/Halluuu_ • 2h ago
Rant / Share Feelings [UPD] parang ginawa nang source of fund ng magulang ko ‘yong scholarship ko
Tawagin niyo na akong makasarili pero nakaka-frustrate lang talaga na majority ng stipend ko “hinihiram” (i know di na nila ibabalik) ng parents ko. From the beginning alam ko nang gagawin lang nilang source of additional fund ‘yong dost scholarship ko kase ever since elementary ako they’ve been pressuring me to take the exam. And although they provide me my basic needs naman, I can’t help but hold a grudge kase nakakaltasan palagi ng 5k ‘yong monthly stipend ko sa kakahiram nila, when we had an agreement na sa food and monthly needs ko mapupunta ‘yong 8k and dorm nalang babayaran nila. For some reason ang dami nilang utang palagi and while naaawa ako sa kanila, I can’t help but think na parang mas madami pa ‘yong pinoprovide ko sa kanila ngayon kaysa sa binibigay nila sa akin. Both working naman sila with decent-paying jobs pero parang naging breadwinner na ako sa sitwasyon ko ngayon.