r/NintendoPH • u/MeasurementSuch4702 • 12h ago
Review Love-Hate Relationship with Gamextreme Shopee
Bwisit na bwisit ako sa Gamextreme as of this moment. Sayang naman yung bank voucher + limited time discount na ginamit ko dito sa order na to tapos di man lang nila ish-ship hanggang sa ma-cancel.
Take note after ko mag-order kinabukasan unlisted na yung product na chineck out ko tapos meron silang bagong listing na mas mahal na kaya di ko na ma-order ulit nang same sa price ng nasa pic.
Okay naman yung PO ko ng Ocarina of Time sa kanila kaya pinagbigyan ko ulit sila kahit yung mga previous PO ko sa kanila eh palpak (been PO-ing to them since 2021 and mas lamang talaga yung palpak compared sa on-time) pero para akong naghahabol sa toxic relationship kung mag-assume na they have fixed themselves. 🤣
Lesson learned I guess.