Nabasa ko yung mga comments dito at sa ibang platform na wala raw yung Sentimental, Spin the Bottle, Terminal, tsaka yung iba pang unreleased na kanta dito sa Tropical Dream. Well tbh, nag-expect din ako na kahit isa dun nasa album, and we got Isang Pagibig. Alam ko matagal na natin silang gusto marinig sa studio version. Pero 14 tracks yung binigay satin ha. Dati ang tagal nating naghihintay ng kahit isang bagong release, tapos ngayon buong album na, at may bagong album ulit. Parang medyo unfair kung puro "bakit wala yung ganito" yung unang reaction natin. Wala namang nagsabing hindi na lalabas yung mga yun. Baka may sariling panahon sila, baka sa susunod na record, baka hindi lang talaga bagay sa mood ng album na to. Di naman natin alam. Pakinggan muna natin nang maayos yung new songs, kasi malay mo matauhan ka na may bagong kantang tatama sayo nang di mo inaasahan at makakabisado mo nanaman. Mas okay na may binigay kesa wala, and lets wait, listen, and hope na wala na namang tapon at unskipable album nanaman ito. Maraming Salamat, IVOS! Hell Yeah!