Naghahanap lang po sana ng payo at insights mula sa mga may agrivet supply o nagbebenta na ng farm inputs dito. Plano ko po sanang pasukin ang pagbebenta ng fertilizers at pesticides, at gusto ko sanang siguraduhin na legal at maayos ang simula.
May ilang katanungan lang po ako:
FPA License & ASD Training: Kumusta po ang proseso ng pagkuha ng Accredited Safety Dispenser (ASD) Training at FPA (Fertilizer and Pesticide Authority) License? Mabilis lang po ba ang approval at magkano ang inabot ng gastos ninyo?
Consignment sa Pesticides/Fertilizers: Paano po kayo nakakuha ng consignment mula sa mga suppliers o big companies (gaya ng Bayer, Syngenta, Corteva, etc.)? Kailangan ba muna ng track record o pwedeng makipag-usap agad sa mga area sales agents kahit bagong bukas pa lang ang tindahan?
Worth it ba? Para sa mga matagal na sa ganitong negosyo, worth it ba ang gastos at pagod sa pagpaparehistro (DTI/SEC, Mayor's Permit, BIR, at FPA) kumpara sa kitaan sa agrivet/pesticide business ngayon?
Salamat po nang marami sa mga sasagot at magbabahagi ng kanilang experience! Malaking tulong po ito para sa mga baguhang tulad ko. 🙏🌾